“CARMELYMPICS 2013” ng MCC Basic Education Deparment, nag-umpisa na

Nagsimula na kahapon (August 6) ang apat na araw na “CARMELYMPICS 2013” ng Basic Education Deparment ng paaralang Mount Carmel College Baler, Aurora sa ilalim ng temang Carmelian Spirit: “Inculcate Learning Though Active Sports”.

Dito ipinapakita ng mga mag-aaral ang kanilang galing at lakas sa pag-lalaro at talento sa iba’t ibang larangan.

Ito ay kinatatampukan ng Carmelians Got Talent, Search for Mr. & Miss. Carmelympics 2013, parada, mga palaro katulad ng Basket ball, baseball, swimming, Chess, Damath, Equalizer, Scrabble, Word factory at game of the General, at pagpapakita ng iba’t ibang talento katulad ng sayaw at awit. Tampok din dito ang traditional games gaya ng Sack race, Kadang-kadang at Tug of war.

Gagawaran naman ng sertipiko, medalya at tropeyo ang mga grupo at indibidwal na magwawagi sa mga nasabing programa.

Ang ganitong gawain at taun-taon isinasagawa ng nasabing paaralan bilang bahagi ng gawaing pang-edukasyon at paghubog sa mga kabataan. (Arnel M. Turzar)

Comments