Casuguran-Ordinansa sa presyo ng isda, aamyendahan

Nais amyendahan ang kasalukuyang umiiral na ordinansang nagtatakda sa pagbebenta ng isda sa bayan ng Casiguran dahil hindi na umano ito na susunod.

Sa isinagawang Committee Hearing noong Miyerkules ng mga Miyembro ng Sangguniang Bayan ng Casiguran sa kanilang Session Hall. Nais ng mga ito na baguhin na ang ordinansa dahil sa patuloy na tumataas ang presyo ng mga isda sa pamilihang bayan ng Casiguran na di umanoy pabigat na sa mga mamimili.

Marami umano ang maaapektohang manininda at mangingisda habang nasa proseso ang pag-aamyenda sa naturang ordinansa. Nais umano ng committee na isuspendi muna ang panghuhuli ng isda hanggat hindi naisasaayos ang panukalang amyenda sa ordinansang may Order no. 002-2010.

Sakali naman anila na maisaayos agad ang pag-aamyenda dito agad ding manunumbalik ang panghuhuli at pagbebenta ng isda sa naturang pamilihan at mahigpit na ipatutupad ang mapagtitibay na taripa. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments