Umabot sa 10 class room,
gusali at pader ang nawasak ng typhoon labuyo.sa Casiguran National High
School, sa Barangay Esteves, Casiguran, Aurora. Nawasak din ang mga kabahayan
sa tabing dagat.
Nawasak at nilipad din ang
bubong ng Covert court sa Barangay Bianoan, Casiguran Aurora. Hindi rin
nakaligtas ang mga bubungan ng ilang malalaking bahay sa nasabing lugar.
Ayon sa impormasyong nakalap
ng CMN News dalawa ang namatay na kapwa mga taga barangay Esteves ng nasabing
bayan, kinilalang sina Samson Dimante at Romeo
Gonzales isa dito ay mangingisda na naipit ng bangka habang ito pa patabi na at
ang isa naman ay magsasaka na nahampas ng punongkahoy sa kasagsagan ng bagyo.
Bumuhal din ang karamihang
poste ng kuryente sa barangay Esteves at Bianoan.
Nasira din ang mga
mpananim na niyog, saging, palay at iba pang produkto. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment