DiCaDi area, binisita ng NDRRMC

Nagtungo sa lalawigan ng Aurora kahapon sina Regional Director Florida Dijan ng DILG, Regional Director Josefina Timoteo at Under Sec. Uduardo Del Rosario ng Office of the Civil Defense, Commander Gen. Gregorio Pio Catapang ng Northern Luzon Command ng Philippine Army, at si Commander  Brigade Gen. Hernando Irriveri ng 7th Infantry Division ng Phil. Army upang bisitahin ang lalawigan partikular ang hilagang bahagi nito na matinding hinagupit ng typhoon Labuyo.

Dakong alas-10:30 ng umaga dumating ang mga ito sakay ng  tatlong Chopper ng Phil. Air Force na lumapag sa Camp Ravina sa Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Makaraang ang ilang oras, dumiretso patungo sa bayan ng Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang grupo para alamin ang sitwasyon ng mga mamamayang labis na apektado ng naturang typhoon sa lugar. (Arnel M. Turzar/Rey S. Fernando)

Comments