DiCaDiDi, magkakailaw na muli

Tinatayang sa loob ng dalawa hanggang tatlong Linggo ay posibleng maibalik na ang daloy ng kuryente sa tatlong bayan sa Hilagang Aurora at Dinapique, Isabela.

Ito ang ginawang pahayag ni Engr. Noel Vedad, tagapamahala ng Aurelco sa pamayam ng CMN News sa pamamagitan ni Field Reporter No. 19, noong nakaraang Martes (August 27) makaraang dumating ang tulong-alalay ng labing isang (11) kooperatiba mula sa mga kasapi ng Central Luzon Electric Cooperative Association.

Ayon pa kay Vedad, tanging ang mga pagkain at bahay tulugan ng mga linemen mula sa CLECA ang gagastusan ng Aurelco sa panahon ng kanilang pagtulong.

Ang di-kaaya ayang panahon at pagkaantala ng deliveries ng mga poste at ibang hardware na kailangan ang tanging maaring magiging hadlang sa mabilis na restoration sa hilagang Aurora pati na ang Dinapigue sa bahagi ng Isabela na naidagdag sa franchise area ng Aurelco.

Inaasahan na sa kanila ng pagkaantala ng maayos na daloy ng kuryente sa DiCaDi, mananatili pa rin sa kategoryang A1 ang Aurelco na nangangahulugang nakakamit ang pinakamataas na antas ng paglilingkod at operasyon ang Aurelco na kamakailan ay nadagdag na rin ang Alfonso Castañeda sa mga bayang nasasakupan nito sa pagpapadaloy ng kuryente. (Rodrigo Javar)

Comments