Na washout nanaman ang
pansamantalang tulay sa Sitio Dicaloyongan na nag-uugnay patungo sa Aurora
State College of Technology sa Barangay Zabali, Baler Aurora kahapon, dahil sa
patuloy na pagbuhos ng ulan sa lalawigan.
Hindi na ito madaanan mula
pa kahapon ng kahit anong uri ng sasakayan. Inanod ang mga tambak ng buhangin
at mga imbornal na nagsisilbing daanan.
Ginawan lamang ng hagdag
paakyat sa istraktura na ginagawang tulay upang makadaan ang tao at tanging tao
lamang ang pwedeng dumaan dito.
Comments
Post a Comment