Dicaloyongan bridge, passable na

Passable na muli ang pansamantalang tulay sa ilog ng Sitio Dicaloyongan, Barangay, Zabali, Baler, Aurora mula pa kahapon (August 1, 2013) bago mananghali.

Magkatuwang na kinumponi ng contractor ng ginagawang tulay dito at ng Department of Public Work and Highway, nilagyan ito ng dalawang hanay na imburnal at tinambakan ng nakasakong buhangin.

Tanging ang mga light vehicle lamang ang maaaring dumaan sa pansamangtalang tulay na nag-uugnay at pangunahing daanan patungo sa Aurora State College of Technology at iba pang mga lugar dito. 

Matatandaang kaninang umaga na washout ang naturang tulay dahil sa halos magdamag na walang tigil ang pagbuhos ng ulan. (Arnel M. Turzar)

Comments