Dicaloyungan bridge, muli nanamang nasira, ASCOT kanselado ang pasok

Makaraang maputol naman ang daan patungo sa Aurora State College of Technology sa Sitio Dikaloyungan, Brgy. Zabali, Baler, Aurora dahil sa malakas na agos ng tubig kahapon ng madaling araw dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan na naging dahilan para kanselahin ang pasok sa naturang paaralan, agad din itong naisaayos dakong alas-9:00 ng umaga kahapon sa pagsusumikap ng Department of Public Works and Highway.

Nauna dito, Sinabi ni DPWH Aurora, ang tulay na kasalukuyan pa lamang ginagawa sa naturang lugar ay hindi pa rin natatapos at hindi pa madaanan pero nangako ang bagong District Engineer ng DPWH Aurora Engineering District na si Reynaldo Alconcel na gagawan nila ng paraan na madaanan ang tulay bagamat hindi nila ito sakop at nasa ilalim ng pangangasiwa ng Project Management Office (PMO) ng DPWH. (Arnel M. Turzar)

Comments