Ilang lansangan sa bayan ng Dingalan, hindi parin madaanan

Nananatili paring hindi madaanan ng kahit anong uri ng sasakayan ang kahabaan ng lansangan sa mga barangay ng Matawe, Ibuna at Umiray, Dinagalan, Aurora simula pa noong lunes dahil sa pag-apaw ng tubing sa mga spill way at Box Culvert.

Ito ang matagal ng Idinadaing ng mga motorista at komyuters sa bayan ng Dingalan partikular ng mga residente sa Barangay Umiray at Barangay Ibuna ang hindi maayos na kondisyon ng daan lalo na ng mga spill ways na inaapawan na ng tubig at halos hindi na umano madaanan ng sasakyan, katulad nalamang umano ng mga spill ways sa Sitio Bakalan at Sitio Yapit sa  Barangay Umaniray at Barangay Ibuna, bunsod ng ilang araw ng pagbuhos ng ulan.

Umaapaw ang tubig sa ibabaw ng mga naturang spill way’s dahil natabunan na ng buhangin ang mga box culvert sa mga naturang tulay.

Ganito rin ang suliranin sa Barangay Butas na Bato kung saan umapaw narin sa kalsada ang tubig mula sa sapa dahilan sa nabarahan na ng buhangin ang imburnal sa Sitio Amutan sa naturang Barangay. (Arnel M. Turzar)

Comments