Illegal na pag-mimina sa bayan ng Dinalungan, patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon

Mahigit isang daan at walong pong (180) sako ng hindi pa malamang uri ng mineral na kinumpiska ng Dinalungan PNP noong nakaraang buwan ng Hulyo sa Barangay Abuleg, Dinalungan, Aurora na galling sa  pinaghihinalaang illegal na pag-mimina ang kasalukuyan paring iniimbestigahan para malaman kung anong klase ito ng mineral at upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng ganitong gawain.

Ang naturang miniral ay kasalukuyan paring nasa pangangalaga ng Dinalungan PNP habang patuloy ang isinasagawang pangangalap ng mga karagdagang ibidensya laban sa mga suspek.

Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Rachelle Robert, humiling na sila sa tanggapan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na inspeksyunin ang mga mineral. Sakali umanong ito ay mapatunayang kasama sa mga ipinagbabawal na kuning mineral maaaring makasohan ang mga suspek sa ganitong gawain. (Arnel M. Turzar)

Comments