IRA ng pamahalaang lokal ng Maria Aurora, tumaas ngayong taon

Lumaki ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng pamahalaang lokal ng Maria Aurora, Aurora ngayong taong kumpara sa nakalipas na taon na umabot lamang sa 89 milyong piso umakyat na ito sa mahigit 100 milyong piso.

Sa pangyayaring ito maging ang mga IRA ng 40 barangay sa Maria Aurora ay tataas din.

Sinabi ni Municipal Mayor Amado Geneta ang karagdagang IRA ay mapupunta sa mga pagawaing bayan at ang iba naman ay ilalaan sa dag-dag sahod ng mga kawani sa naturang bayan, kung saan tataas ang kanilang sahod sa susunod na taon. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments