Nasa estado na ng
decomposition ng matagpuan ang labi ng isang binata matapos na ito ay tangayin
ng malakas na agos ng tubig sa ilog ng Amutan sa Barangay Butas na Bato sa
bayan ng Dingalan, Aurora.
Ang biktima ay si Ronald B. Borja,
27 taong gulang, at residente ng nabanggit na barangay at bayan.
Ayon sa report, noong August
12, 2013, ala-una ng madaling araw sa kasagsagan ng bagyong labuyo, tinangka
umano nito na tumawid sa ilog upang tulungan ang kanyang pinsan, ngunit tinangay
ito ng tubig.
Sa isinagawang search
and retrieval operation ng mga element ng Dingalan PNP, BFP, Coast Guard at mga
barangay official ng Butas na Bato, ala-una ng hapon noong August 13, ng
matagpuan ang katawan ng biktima na naaagnas na.
Sa karagdagang impormasyong
nakalap ng CMN News, gabi palamang noong August 11 palamang ng maanod umano ang
biktima upang tulungan ang kanyang pinsan sa suisigaw, nagpapasaklolo.
Samantala, nauna na
umanong sinabi ni Dingalan Municipal Mayor Zanaida Pajernos sa pamilya ng
biktima na walang maibibigay na tulong ang lokal na pamahalaan ng Dingalan para
sa pagpapalibing sa bangkay ng biktima.
Nangako narin umano
ang MSWD Dingalan na magbibigay sila ng tulong, subalit hindi parin ito
naibibigay sa pamilya.
Kaugnay nito, nananawagan
ang pamilyang Borja sa Pamahalaang panlalawigan ng tulong sa pagpapalibing ng
biktima.
Comments
Post a Comment