Isang lalaki, arestado sa bayang ng Maria Aurora

Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Maria Aurora dahil sa kaso nitong paglabag sa Municipal Ordinance No. 02 of 1980 o pambabato.

Base sa report ng Maria Aurora PNP, dakong alas-12:25 ng madaling araw kahapon nang masakote ng kapulisan sa pangunguna ni SPO3 Ondivilla at PO2 Dulay, ang suspek na si Conrado “Butog” Parrocha y Milan, 40 taong gulang, may asawa at residente ng Purok 07, Barangay 02, ng nasabing bayan.

Sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP, sa bisa ng Alias Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 3104 na inisyu no Hon. Judge R.D Pinlac ng Municipal Circuit Trial Court Maria Aurora-Dipaculao noong taong 2006, matagumpay na nahuli ang suspek.

Habnga sinusulat ang balitang ito, si Parrocha ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP sa kanilang piitan at nasa 2,000 ang halaga ng  rekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang laya. (Arnel M. Turzar)

Comments