Isang lalaki may kasong Grave Threat , arestado sa bayan ng Baler

Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Baler makaraang ito ay manakot at magbanta kamakailang.

Kinilala ang suspek na si Sherwin Oliva y Huego, 37 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ayon sa ulat ng Baler PNP, dakong alas-11:00 ng umaga noong Agusto 6, 2013 sa isinagawang nilang Manhunt Charlie operation sa pangunguna ni PO1 Sindac  at sa bisa ng Alias warrant of arrest na inilabas ni Honorable Acting Judge Trese Wenceslao ng Municipal Circuit Trial Court Baler, matagumpay na naaresto ang suspek.

Si Oliva ay nahaharap sa kasong Grave Threat, at pansamanta itong nakalaya sa bisa ng kanyang piyansa na nagkakahalaga ng limang libong piso. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments

  1. ask ko lang po, my ngtangka din po sa buhay ko at nanakot sa pamilya ko na sasaktan kami at nglabas ng patalim pero ang sabi sa pulisya sa halagang 200 pesos pwede na makapgpiyansa ang inaakusahan ko at sa takot ko na baka mghiganti sya kapag nakapiyansa sya sa pgkakatulong nya ay hindi ko sya nakakulong at yung at nakapending ang reklamo ko papuntang lupon

    ReplyDelete

Post a Comment