Isang lalaki suspek sa pagnanakaw at pangingikil, arestado sa bayan ng Baler.

Inilipat na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora ang isang lalaki na naaresto noong linggo sa bayan ng Baler, Aurora dahil sa kaso nitong pagnanakaw at pangingikil.

Kinilala ang suspek na si Christopher Lopez, 29 na taong gulang, walang trabaho, at residente ng Barangay Sabang, ng nasabing bayan.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong alas-1:00 noong Sabado, Agusto 3, 2013,  nang madiskubre ng biktimang si Ronald Castillo na nawawala ang kanyang bag na may lamang pera, ID’s at mga mahahalagang dokumento na nakalagay sa compartment ng kanyang motorsiklo na nakaparking sa harapan ng isang apartment sa barangay Sabang. At noong linggo (Agusto 4) nakatanggap ang biktima ng text message mula sa suspek, humihingi ito ng isang libong piso kapalit para ibalik ang bag. Dahil dito pinaghandaan nila ang paglabas ng suspek upang ito ay madakip at hindi nagtagal na-citizen arrest ang suspek.

Kahapon (Agusto 5) inilipat na ang suspek na si Lopez sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora. (Arnel M. Turza/Sheryl Sta. Maria)

Comments