Nasira at hindi na madaanan
simula pa kahapon (Hulyo 31) ang pansamantalang tulay sa Minanga river, Casiguran, Aurora.
Naputol narin ang lansangang nag-uugay dito dahil sa walang tigil na pagbuhos
ng ulan sa lalawigan.
Isolated ang bayan ng
Casiguran at Dilasag, dahil hindi na makadaan papasok at palabas mga sasakayn.
Umabot ng mahigit 20
talampakan ang lawak na nahukay sa kalsada.
Dakong alas-4:00 naman ng
hapon kahapon nagkaroon ng dalawang landslide sa kabundukang bahagi ng Barangay
Abuleg, Dinalungan, Aurora.
Naantala naman ang
daloy ng transportasyon sa bahagi ng Barangay Ditale, Dipaculao, Aurora dahil
sa pag-apaw ng tubig sa spill way. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment