Langawan river sa bayan ng Dingalan, patuloy paring tinatapunan ng basura

Walang pakundangang pagtatapon at pagsusunog ng basura malapit sa Langawan river, sa bayan ng Dingalan, Aurora ang inirereklamo ng mga mamamayan dito.

Hinahakot umano ng Municipal damp truck ang mga basura mula sa mga barangay sa Northen part ng Dingalan at itinatambak sa tabing ilog na sa tuwing umuulan at lumalakas ang tubig sa ilog inaabot ito at inanod patungo sa Dingalan Bay. Ito umano ang matagal nang suliranin ng mga apektadong mamamayan sa lugar na hanggang sa ngayon ay hindi parin inaaksyunan ng mga kinauukulan.

Kaugnay nito, nananawagan sila na sanay aksyunan naman daw ito ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Dingalan bago pa tuluyang matabunan ng basura ang magandang karagatan ng Dingalan. (Arnel M. Turzar)

Comments