Linggo ng Malayang Sining, ipinagdiriwang ng MCC Baler.

Nagsimula kahapon (August 8) ang apat na araw na “Pagdiriwang ng Linggo ng Malayang Sining” ng paaralang Mount Carmel College Baler, Aurora.

Ito ay pinamagatang “ Lipad Malayang Sining! Ipakita Ating Galing” ng kursong Bachelor of Arts o kilala din sa mga tawag na Bacheller en Artes, at Batsilyer ng mga Sining o Malayang Sining na tinaguriang inang kurso ng Lalong Mataas na Edukasyon ng nasabing paaralan.

Ang ipinagdiriwang na ito ay kinatatampukan ng iba’t-ibang gawaing nagpapakita ng mga katangian, kakayahan at husay ng mga mag-aaral nito. Inaasahan din na ito ay magiging “venue” upang mapaigting pa ang kaisahan ng lahat ng mga mag-aaral.

Layunin ng aktibidad na mapalalim ang pang-unawa sa kahalagahan ng kasaysayan, agham panlipunan at sosyolohiya, ito ang nagbibigay daan upang mag-iisip ng mga alternatibong pamamaraan upang maiangat at matugunan ang di maayos na kalagayan ng lipunan na masasalamin sa matinding kahirapan, patuloy na pagkasira ng kalikasn at di pagkilala sa dangal ng tao.

Ang mga gawain ay kinatatampukan ng Gilas AB, Katutubong laro/Palaro ng lahi, Larong bola/Ball games, mga paligsahan, Academic Symposium, Gabi ng Kalinangan, Community Service at pagpili ng Mutya at Ginoo ng Malayang Sining. (Arnel M. Turzar)

Comments