LPA sa Aurora, binabantayan ng PAGASA

May namataang low pressure area (LPA) ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa probinsya ng Aurora na inaasahang magdadala ng pag-ulan sa buong Luzon. 

Bagamat kalalabas pa lamang ng bagyong Jolina pero may bagong sama ng panahon na binabantayan ang state weather bureau ngayong Huwebes.

Nakita kaninang alas-4 ng umaga ang LPA sa 245 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Pero sinabi ng PAGASA na mababa ang tsansang maging ganap na bagyonang LPA.

Kung sakaling maging bagyo ay papangalanan itong "Kiko" ang unang bagyo ngayong Agosto at pang-11 ngayong taon.

Dagdag ng weather bureau na may tatlo hanggang apat na bagyo silang inaasahan ngayong buwan. (Arnel M. Turzar)

Comments