MCC Baler - Pagdiriwang ng “Linggo ng Malayang Sining”, patuloy parin ang programa

Patuloy parin ang isinasagawang pagdiriwang ng Linggo ng Malayang Sining ng paaralang Mount Carmel College Baler, Aurora na pinamagatang “Lipad Malayang Sining! Ipakita Ating Galing” ng kursong Bachelor of Arts o mas kilala din sa tawag na Bachiller en Ates, Liberal Arts at Batsilyer ng mga Sining o Malayang Sining na tinaguriang inang kurso ng Lalong Mataas na Edukasyon ng nasabing paaralan.

Layunin nitong panatilihin at patuloy na isulong ang kalinangang Pilipino bilang ating Pambansang pagkakakilanlan at kayamanan. Hubugin ang kamalayan, damdamin at mga pagkilos tungo sa pagiging Pilipino na tagapag-ugit ng ating kasaysayan, tagapagtanggol ng ating karapatan at mapanagutang tagapag-ayos ng ating mga ugnayan sa Diyos, Sambayanan/lipunan at Kalikasan. Ipakita sa lahat ang lalandasin matapos hubugin ng Mount Carmel College taglay ang Diwa ng Karmel sa pag-aabot ng mga pangarap.

Ang pagdiriwang na ito na nagsimula noong Miyerkules at magtatapos sa araw ng Sabado ay kinatatampukan parin ng iba’t-ibang gawaing nagpapakita ng mga katangian, kakayahan at husay ng mga mag-aaral nito. Inaasahan din na ito ay magiging “venue” upang mapaigting pa ang kaisahan ng lahat ng mga mag-aaral. (Arnel M. Turzar)

Comments