Mga Bandang lalahok sa pistang bayan ng San Luis, handa na para sa kompetisyon

Handa na para sa kompetisyon ang iba’t ibang banda ng mga paaralan sa distrito ng Bayan ng San Luis, Aurora. Ito ay matapos isagawa kamakailan ang pagpupulong ng mga kinatawan ng tagapagsanay at mga gurong tagapangasiwa ng bawat paaralan sa pangunguna ng lupon ng paligsahan.

Ang mga banda ng bawat paaralan na lalahok sa taunang kompetisyon bilang bahagi ng mga gawain kaugnay sa pagdiriwang ng pistang bayan ng San Luis na ang nasabing school band competition ay gaganapin sa ika-23 ng Agusto 2013 sa liwasang bayan ng San Luis na lalahukan ng Elementary category ang San Luis Central School, Nonong Sr. Elementary School, Ditumabo Elemantary School, Dicapinisan Elementary School, at ang Mount Carmel San Luis Elementary Department. 

Para naman sa Secondary category lalahok ang Ditumabo National High School, Dicapinisan National High School, Mayor Sosaria Elpimentel National High School, at ang Mount Carmel San Luis High School Department. (Resty Bautista)

Comments