Mga kabataan, tulog-tulong na naglinis at nagtanim gulay – Dinalungan

Tulog-tulong na naglinis at nagtanim ng gulay ang mga Save the Children member ng Dinalungan Central School noong ika-siyam ng Agosto sa ginawa nilang CC-CBA Vegetable Garden. Pinangunahan ito ng Save the Children Adviser na si Mrs. Emile Moral at mga bagong elected officers.

Dumalo at tumulong din sa nasabing gawain ang Municipal Environment and Natural Resources Office ng Dinalungan sa pangunguna ni Mrs. Rachelle Robert.

Layunin ng nasabing gawain na makapagtanim ng iba’t ibang uri ng gulay at maipaalam sa mga bata ang sustansyang makukuha sa mga ito.

Ang binhi at punla na itinamin tulad ng kamatis, talong, sili at upo ay galing sa Department of Agriculture ng Dinalungan.

Ang nasabing vegetable garden ay proyekto ng Dinalungan Central School Save the Children Group.

Comments