Mga Video oke bar sa bayan ng Baler, inenspeksyon ng LGU

Inenspeksyon ng Local Government Unit ang mga Video oke bar sa bayan ng Baler, Aurora noong Miyerkules sa pangunguna ni Joseph Catipon kasama ang Baler PNP sa pangunguna naman ni PO3 Lorente. Matagumpay na naisama ng grupo sa Baler Health Center ang may 20 kababaihang nagtatrabaho sa naturang bar upang alamin kung ang mga ito ay may mga kaukulang dokumento  katulad ng health certificate at ang kanilang kapanganakan para matiyak na hindi menor de edad ang mga ito alinsunod sa umiiral na ordinansa sa naturang bayan.

Pinaliwanag sa mga ito na dapat kumpleto ang kanilang kaukulang dokumento batay sa nakasaad sa ordinansa, ganoon din ang tamang kasuotan, ganoon din ang mga istablisiyemento na dapat ay kumpleto ang complaints permit bago ito mag-operate.

Ang ganitong pagsasaayos ay isa sa mga programang nais na mahigpit na ipatupad ni Baler Municipal Mayor Nelianto Pilot Bihasa.

Hinndi, aniya, siya manghihinayang na ipasara ang mga negosyong walang permit at hindi sumusunod sa alituntunin ng batas. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments