Nagbebenta ng bote-boteng gasolina, inenspeksyon ng LGU Baler

Ininspeksyon ng pinagsanib na puwersa ng mga ahensya ng Local Government Unit ng Baler ang mga ilegal na nagbebenta ng bote-boteng gasolina sa Bayan ng Baler, Aurora kamakailan.

Unang tinungo ng Baler PNP sa pangunguna ni P/SINSP George Calauad, Baler treasury at Business Licensing Office sa pangunguna ni Business Licensing Inspector Joseph Catipon at ng Baler Bureau of Fire Protection sa pangunguna naman ni Chief Operation FO3 Dexter Reyes ang Barangay Buhangin, Calabuanan at barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ang ganitong gawain ay patuloy at mahigpit na ipatutupad sa naturang bayan alinsunod narin sa umiiral na Ordinansa.

Ito ay isa sa mga pangunahing programa ni Baler Municipal Mayor Nelianto Bihasa.

Hindi, aniya, siya manghihinayang na ipasara ang mga negosyong walang permit at hindi sumusunod sa alituntunin ng batas.

Comments