Pambansang Lansangan sa Barangay Abuleg, nagkaroon ng Land Slide

Muli nanamang nagkaroon ng Land Slide kahapon madaling sa bahagi ng Pambansang Lansangan sa Barangay Abuleg, Dinalungan, Aurora na naging dahilan ng pansaantalang pagka-Stranded ng mga biyahero papasok at palabas ng Casiguran bunsod ito ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa kagustuhang makatawid sa naturang land slide, nagtulong-tulong ang mga driver at pahenante upang hawiin ang lupang tumabon sa naturang daan.

Nanawagan ang mga naistranded na biyahero sa tanggapan ng Department of Public Works and Highway Aurora District Engineering Office para agad na malinis ang nabanggit na bahagi ng Pambansang Lansangan.

Sinabi naman ni Engr. Ric Gutierrez ng DPWH Aurora Engineering District dakong alas-sais ng umaga nagpadala sila ng Equipment upang maisaayos ang nabarahang kalsada. (Rey S. Fernando)

Comments