Presyo ng bigas sa Baler, may posibilidad na muling pagtaas

Posibleng tumaas na naman ang presyo ng Pambansang butil na bigas sa pamilihang bayan ng Baler.

Ito ang itinuran ng isa sa mga nagtitinda doon kung hindi titigil ang walang humpay na pagbuhos ng ulan sa lalawigan, wala pang nakakapag-ani at kung tumagal ito ng hanggang dalawang linggo, maaring tumaas ang presyo ng bigas ng piso hanggang dalawang piso.
Sa kasalukuyan ang bigas na laon ay nagkakahalaga ng 30 piso ang kada kilo at umabot naman ng mula sa 34 hanggang 40 piso ang karaniwang presyo ng bigas sa ngayon. (Ronaldo A. Ramos/George Balbero)

Comments