Presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, tumaas ng halos 3 piso

Umangal ang mga mamimili sa biglaang pagtaas ng halos tatlong piso kada kilo sa presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, Aurora.

Ang pagtaas ng presyo ay dahil umano sa nagdaang bagyong labuyo na sumadsad sa lalawigan ng Aurora noong lunes.

Bagamat umaangal ang mga mamimili, wala naman umanong magagawa ang mga nagbebenta sa palengke dahil  mataas din ang benta sa kanila mula sa kanilang mga supplier na nagmumula sa labas ng lalawigan.

Dahil narin umano sa kakulangan ng supply ng bigas mula sa lalawigan ng Aurora kaya napipilitan silang bumili ng bigas sa ibang lalawigan katulad ng Nueva Ecija at Bulacan. (Arnel . Turzar/Melanie Hugo)

Comments