Presyo ng petrolyo sa bayan ng Baler, tumaas

Nagpatupad narin ng dadag presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga gasoline station sa bayan ng Baler, Aurora, makaraang magtaas ang presyo ng kalintulad na produkto ang mga kumpanyan ng langis sa Pambansang pamilihan noong nakaraang Martes, August 27, 2013.

Nauna nang sumunod magpatupad ng dagadag presyo noong martes ang Caltex at Shell sa halagang 0.55 sentimos sa kada litro sa kanilang Diesel habang 0.60 sentimos sa kada litro ng Premium at Unleaded na gasolina, 0.90 naman sa kerosene. Sumunod ding nagpatupad ng kahalintulad na dagdag presyo ang Petron kahapon (August 29).

Naglalaro ngayon sa halagang P57.03 hanggang P57.20 kada litro an umiiral na presyo ng Unleaded at Premium na gasolina habang P52.72 ang Diesel. Wala namang pagbabago ang Regular na gasolina sa presyo nitong P55.00 habang ang kerosene ay nasa P56.18 ang kada litro. (END)

Comments