Natangay ng mandurukot ang
9,000 pesos na cash, ATM card at GSIS ecard mula kay Mrs. Elsy Epina, Principal
ng Diego Ortiz Elementary School.
Ayon kay Mrs. Espina, dakong
alas-4:00 ng hapon habang siya ay namimili sa baratilyo sa Baler Public Market,
nang bigla umano siyang dukutan ng hindi nakilalang mandurukot na
pinaghihinalaang babae. Ito rin umano ang mga suspek sa dalawang insidente ng
pandurukot noong lunes sa naturang lugar.
Agad na nagtungo ang biktima
sa Baler PNP Station para ireport na insidente, agad naman umaksyon ang mga
kapulisan at nagtungo sa pinangyarihan, bigo naman silang madakip ang suspek.
Comments
Post a Comment