Relief Goods, idadala na sa DiCaDi

Inaasahang mahahatiran na ngayong araw ng tulong mula sa Panlalawigang Pamahalaan ng Aurora ang mga apektadong mamamayan sa tatlong bayan sa bahagi ng hilagang Aurora.

Ito ang tiniyak ni Aurora Governor Gerardo “Gerry” Noveras, ang Dinalungan, Casiguran at Dilasag ang uunahing padadalhan ng mga relief goods na hinanda ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora at ng Regional Department of Social Welfare and Development Office na may tatlong libong relief goods pack at mahigit isang libong relief goods pack naman mula sa ABS-CBN. 

Personal din siyang bibisita sa lugar para makita ang aktuwal na kalagayan ng mga mamamayang nasalanta ng bagyong labuyo. (Arnel M. Turzar)

Comments