Sakahan sa Casiguran, hindi na mataniman dahil sa baha



Ilang sakahan sa Casiguran, Aurora ang halos hindi na mataniman dahil sa paulit-ilit na ito ay dinadaanan ng tubig baha tuwing magkakaroon ng malakas na pag-uulan sa lalawigan ng Aurora.

Ayon sa ilang mag-sasaka na apektado ang kanilang sakahan partikular sa Sitio Minanga, Barangay Calangcuasan sa nasabing bayan, inaapawan ang kanilang sakahan dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog sanhi umano ng hindi maayos na daluyan ng tubig.

Kamakailan lang ay muli na namang inaapawan ng tubig ang mga naturang sakahan noong nakaraang pagbuhos ng malakas na ulan na naging sanhi rin ng pagkaputol ng kalsada sa nasabing lugar.

Madalas umanong ma-washout ang dike na humaharang para pigilan ang pag-apaw ng tubig sa palayan. Subalit dahil sa hindi kaya ng ilog ang volume ng tubig na dumadaloy, winawasak nito ang naturang dike na siyang dahilan ng maladagat dagatang palayan na hanggang ngayong ay hindi na mataniman. (Arnel M. Turzar)

Comments