Patay ang tatlong mga kabataan habang kritikal naman ang
isa na pawang mga kababaihan makaraang ito ay sumalpok sa isang trak sa
Barangay Bacong, San Luis, Aurora kahapon, August 21, 2013.
Dakong alas 10:15 ng umaga nang maganap ang kalunos lunos
na aksidente sa kurbadang bahagi ng Pambansang lansangan sa nasabing lugar na
kinasangkutan ng isang motorsiklo Rusi kulay itim na may plakang RZ 5434 at ng
isang dump trak na may plakang JPJ 230 na minamaneho ni Dionicio Revollado, 47
taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Ramada, Maria Aurora.
Kinilala ang mga biktima na sina Cathlyn Sagala y Gutierez,
16 na taong gulang, residente ng Barangay Calabuanan, at 4th year
High School sa Baler Institute; Kimberly Abriam y Abalos, 15 taong gulang,
residente ng Barangay Suklayin, Baler, at 4th year sa Baler National
High School; Novelyn Budoy y Postor, 16 na taong gulang,
residente ng Barangay Buhangin, Baler at 4th year High School din sa
Baler Institute; at ang kapatid nito na si Norie Anne, 15 taong gulang na
ngayon ay kritikal kondisyon sa pagamutan.
Ayon sa kamag-anak ng nasawing si Novelyn, galling umano
ang mga biktima sa Barangay Calabuanan patungo sa bayan ng Baler magkakaangkas
sa motorsiklo.
Ayon naman sa mga nakasaksi sa insidente, mabilis umano
ang takbo ng motorsiklong sinasakyan ng mga biktia nang mawalan ito ng control
at sumalpok ang mga ito sa kasalubong nitong truck sa kurbadang bahagi ng
lansangan. Dead on the spot ang tatlo habang mabilis namang naidala sa
pagamutan ang isa.
Comments
Post a Comment