18 anyos, arestado sa bayan ng San Luis, sa kaso nitong Homicide and Damage to property

Arestado ang isang labing walong (18) taong gulang sa Barangay Nonong Sr. sa bayan ng San Luis, Aurora noong nakaraang lunes (Sept.23) dahil sa kaso nitong Homicide and Damage to property.

Base sa ulat ng San Luis PNP, matagumpay nilang naaresto ang suspek na kinilalang si Jomar Digno y Santelises, binata, at residente sa nasabing lugar, sa bisa ng Warrant of Arrest na may criminal case number 4773 na inisyu ni Hon. Presiding Judge Maximo B. Ancheta ng Regional Trial Court Branch 90, Baler, Aurora na may petsang April 23, 2013. Umaabot namn sa halagang P30,000 ang inerekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang laya. (Arnel M. Turzar)

Comments