Boundary dispute, umiiral sa pagitan ng Aurora, Nueva Viscaya at Isabela

Pinagsusumikapan ng mga Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Aurora na maibalik sa teritoryo ng lalawigan ang malaking bahagi na sinakop umano ng Dinapigue, Isabela at ang bahagi ng Nueva Viscaya na tinayuan ng munisipyo ng Castañeda.

Matagal na umanong may umiiral na boundary dispute sa pagitan ng Aurora at Nueva Viscaya at maging sa pagitan ng Aurora at Isabela.

Sinasamantala umano ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang programa at pondo ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) para sa ground surveying.

Ipapanukala din umano ng mga ito ang pakikipag-joint session sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela. (Arnel M. Turzar)

Comments