Buraot na tricycle driver, inirereklamo sa bayan ng Baler

Nakikiusap ang ilang mga tricycle driver sa kapawa nila mga tricycle driver na pumipila sa harapan ng Mount Carmel College, sa Rizal Street, Barangay 04, Baler, Aurora dahil sa di umanoy mga buraot sa pasahero.

Ayon sa mga nag-rereklamo na hindi na nagpabanggit ng pangalan, pakiusap ng mga ito sa kapwa nila mga driver na sumunod sa pila alinsunod sa Gate Pass na inisyu ng paaralang MCC.

Reklamo pa nang mga ito na madalas nagsasakay ang ilang tricycle ng higit sa limang pasahero. Over loaded umano ito batay sa tamang bilang na dapat isakay ng tricycle.

Mapanganib anila sa mga istudiyante ang sumakay sa top load at back carrier ng tricycle. Kung hindi anila mapigilan ang ganitong sistema, hindi anila posibleng mangyari na magkaroon ng aksidente.  (Arnel M. Turzar)

Comments