Dadag presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad sa bayan ng Baler

Sumunod naring magpatupad ng dagdag presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga gasolinahan sa bayan ng Baler, Aurora bunsod umano ito ng pagtaas ng presyo ng mga kompanya ng langis sa Pambansang pamilihan noong Martes, (Sept.3, 2013).

Epektibo noong Miyerkules (Sept.4) nagdagdag-presyo ang Caltex at Sea Oil ng halagang P1.00 sa kada litro ng kanilang Diesel habang P1.15 ang idinagdag ng Shell.

P1.25 sa kada litro naman ang idinagdag ng Caltex at Sea Oil sa kanilang Unleaded at Premium na gasolina habang P1.35 naman ang dagdag ng Shell. 

P1.00 naman ang idagdag ng Shell sa kada litro ng kanilang Kerosene habang P1.15 sa Sea Oil.

Nagpatupad naman kahapon (Sept.5) ng umaga ng dagdag presyo ang Petron ng P1.00 sa Diesel at  P1.35 sa kanilang gasolina. (Arnel M. Turzar)

Comments