Farm to Market road project sa Maria Aurora, hindi parin nasisimulan

Hindi parin nasisimulan ang Farm to Market road na uugnay sa mga barangay Dialatnan, Sugit, Diaman at barangay Punglo palabas ng barangay Dikildit sa bayan ng Maria Aurora.

Sa panayam ng CMN News kay Kapitan Juan Calso ng Barangay Sugit, sigurado aniyang mahihirapan na namang ilabas ang mga produktong o kalakal papunta sa kabayanan, dahil madalas na naman lumalim ang ilog na tanging daanan ng mga motorista papasok sa nasabing mga barangay.

Bagamat may P5 M. na nakalaan sa naturang proyekto, na di umano ito ay galling sa Department of Agriculture Region III na hanggan sa ngayon ay hindi parin ito nasisimulan.

Maaari umanong mabinbin ang paglalabas ng pondo para sa proyekto dahil sa pagpapalit ng Provincial Administration. (Guiller Necesito)

Comments