Helper ng Elf Truck, patay sa pamamaril sa Maria Aurora

Patay sa pamamaril ang isang pahenante ng Elf Truck, Buyer ng Niyog, noong Miyerkules (Sept.4) sa Barangay Bayanihan, Maria Aurora, Aurora.

Kinilala ang biktima na si Rodel De Vera y Barozo, 38 taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Sto. Tomas ng nasabing bayan.

Base sa paunang imbestigasyon ng Maria Aurora PNP sa Pangunguna ni SPO1 Angelo Gawat, dakong alas-4:00 ng hapon nang tangayin ng apat (4) na kalalakihang nakasuot ng Bonnet at camouflage poncho, ang biktima mula sa sasakyan at dinala ito sa may kalayuan, at dito pinaputukan ng apat na beses ng mahahabang dekalibeng baril ng mga suspek.

Love triangle ang isang anggulo na nakikita motibo sa pagpatay base sa paunang imbestigasyon ng otoridad.

Inaalam pa ng SOCO kung anong uri ng baril at bala ang ginamit dito. Habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang kaso para malaman ang motibo ng pamamaril at mapanagot ang responsible dito. (Arnel M. Turzar)

Comments