Hindi lisensyadong baril, kumpiskado sa Dinadiawan, suspek kulong

Agad na naarestado ang isang lalaki makaraang ito ay mahulihan ng baril at ng ipinagbabawal na droga sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora kamakailan.

Kinilala ng PNP ang suspek na si Rolly Fortaleza y Santos, 36 na taong gulang, may asawa at residente ng Poblacion sa Bayan ng Dinalungan.

Base ulat ng PNP, nakumpiska nila mula pangangalaga ng suspek ang isang (1) hindi lisensyadong Cal. 45 na baril, na may serial number 111213, isang (1) magazine, sampong (10) live ammunition, dalawang (2) knives at ang pinaghihinalaang droga sa loob ng kanyang bag sa isang restaurant sa nasabing lugar.

Agad namang dinakip ng ga otoridad ang suspek at sinampahan ito ng kasong paglabag sa PD 1866 as amended by RA 8294 and Illegal Possession of Deadly Weapon, sa Provincial Prosecutor's Office.

Samantalang nasa pangagalagan naman ng Aurora Provincial Crime Laboratory Office ang mga nakumpiskang gamit mula sa suspek para isailalim sa ballistic examination. (Arnel M. TUrzar)

Comments