MCC Higher Education Department Intramurals 2013, nagsimula na

Nagsimula na kanina ang apat na araw na Intramural 2013 ng Higher Education Department ng Mount Carmel College Baler, Aurora na may temang: “Providing the Way to Friendship, Love and Unity through Education Sportsmanship”, sa pamumuno ng Student Body Organization Executive Officer sa pangunguna ni SBO President Chales Eiron A. De Guia at  ng SBO Sports Development Officer.

Sinimulan ito alas-singko ng umaga sa pamamagitan ng Fun Run na nagsimula sa (Boys) Barangay Zarah, at (Girls) Sitio Hiwalayan, Brgy. Bacong, San Luis, Aurora at nagtapos sa nasabing paaralan.

Sinundan ito ng parada dakong ika-9:00 ng umaga at sumunod na ang iba’t ibang programa/gawain at mga palaro katulad ng Sack Race, Tug of War, Minutes to win it, Mascot Competition at Cheerleading Competition.

Sa pagpapatuloy ng programa sa mga susunod na araw tampok pa rin dito ang mga Indoors and Outdoor games katulad ng Basketball, Volleyball, Sepak takraw, Larong Lahi, Table Tennis, Game of the Generals, Badminton, Scrabble, Chess, Soft ball, Word Factory, Modern Dance, at Dance Sport and Singing Competition, ganoon din ang kinaabangang na Awarding at Victory Party sa huling araw.

Ang naturang Intramural ay magtatagal hanggang sa araw ng Biyernes, September 20, 2013. (Arnel M. Turzar)

Comments