Motorsiklo malalakas ang tunog, inirereklamo sa bayan ng Baler

Inirereklamo ng maraming mamayan ng bayan ng Baler, Aurora ang mga motorsiklong malalakas ang tunog at ang mga motorista na walang habas magpaharurot ng kanilang motorsiklo lalo na sa hating gabi.

Madalas umano itong nangyayari sa kahabaan ng Quezon Highway ng nasabing bayan na tila nakikipag habulan kay kamatayan ang mga ito.

Pawang mga kabataan ang madalas na sangkot sa karerahan ng kanilang mga motorsiklo na sinadyang palitan ang tambutso para lumikha ng mas malakas na tunog.

Maliban sa pawang mga menor de edad ang mga ito, wala pa silang  gamit na proteksyon sa katawan katulad ng helmet na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay.

Kaugnay sa ganitong suliranin, nananawagan ang taong bayan sa ahensyang Land Transportation Office na tugunan ang ganitong suliranin na tila puwerhisyo sa lipunan. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments