Overall champion sa BSP Provincial Jamborette, nakamit ng San Luis

Nag-uumapaw sa sigla at galak ang mga batang Scout at Scout Leader ng Distrito ng San Luis, sa kanilang pagdalo sa apat (4) na araw na Provincial Jamborette sa Boys Scout of the Philippines Aurora Council, na ginanap noong ika-19 hanggan ika-22 ng September, 2013 sa Camp Cesar Valenzuela, Sitio Cemento, Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ang ikalabing pitong taunang Provincial Jamborette ng Boys Scout of the Philippines ay may temang “Scouting Education for Life”.

Kabilang sa mga gawain ang kanilang pinagsumikapang gampanan at magkaroon ng kaalaman at mahusay na kasanayan, ay ang ukol sa gender development, massager of peace, first aid, orienteering, paste painting, scout palaro, emergency preparedness at marami pang iba.

Kabilang sa mga bayan na dumalo sa nasabing gawain ng mga scout ay ang bayan ng Maria Aurora, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, San Luis at ang Host town na bayan ng Baler.

Nakamit ng Scout ng San Luis ang mga karangalan para sa Most Discipline Contingent, Cleanest camp, biggest delegation at overall champion, at nagkaroon din ng pagkakataon ang San Luis na makamit ang Senior Free Leader at Senior Patrol Leader. (Resty Bautista)

Comments