P1.00 hanggang P1.35, ipinatupad na dagdag presyo sa produktong petrolyo sa bayan ng Baler

Dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bayan ng baler, naglalaro na ngayon sa halagang P52.58 hanggang P53.72 ang kada kilo sa kanilang Diesel.

Umiiral naman sa halagang P55.73 hanggang P58.55 ang kada litro sa kanilang produktong Unleaded at Premium na gasolina.

Naglalaro naman sa halagang P55.00 hanggang P56.80 sa kada litro ng Regular na gasolina.
Ang Kerosene naman ay naglalaro sa halagang P56.39 hanggang P57.35 ang kada litro nito.

Huling nagtaas ang Shell, Caltex at Sea Oil noong nakaraang Miyerkules (Sept.4) at Sumunod naman ang Petron noong Huwebes (Sept.5) ng umaga. (Arnel M. Turzar)

Comments