Panibagong rollback sa produktong petrolyo, muling pinatupad sa bayan ng Baler

Muli na namang nagpatupad ng rollback sa kanilang produktong petrolyo ang mga pangunahing pamilihan ng gasolina sa bayan ng Baler, Aurora, bunga umano ito ng pag-rollback sa presyo ng petrolyo sa Pambansang pamilihan noong Lunes (Sept.23.).

Magkasabay na binawasan ng Caltex at Shell noong Lunes (Spet.23) ang presyo ng kanilang Diesel sa halagang  P0.90 kada litro habang P0.70 sa Unleaded at Premium na gasolina, P1.00 sa Kerosene at P0.60 naman sa Regular na gasolina.

Sumunod din nagpatupad ng rollback noong Martes (Sept.24) ang Sea Oil at sumunod narin noong Miyerkules (Sept.25)  ang Petron sa kapareho nitong halaga. (Arnel M. Turzar)

Comments