Phivolcs: Lalawigan ng Aurora nakaranas ng pagyanig ng lupa

Nakaranas ng pagyanig ng lupa ang lalawigan ng Aurora at ang Metro Manila kaninang  (Sept.7) tanghali.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, dakong alas-12:30pm naramdaman ang pagyanig ng lupa sa bayan ng Dingalan na may lakas na magnitude 4.3.

Ang epicenter origin ng lindol ay nasa layong 11 km  ng northeast Dingalan, Aurora.

Wala namang naitalang pinsala sa nasabing pagyanig. (Arnel M. Turzar)

Comments