Presyo ng pataba sa Aurora, bumaba

Bumaba ang presyo ng mga pangunahing gamit na abono o pataba sa palay ng mga magsasaka sa Aurora ng P50 sa kada sako ng 14-14-14 at P280 naman sa kada sako ng Urea.

Nagkakahalaga na ngayon ng P1,200.00 ang kada sako ng 14-14-14 sa mga retailer ng pataba habang nasa halagang P1,020.00 naman ang kada sako ng Urea.

Bumaba ang presyo ng mga ito noong last season mula February hanggang March ng taong kasalukuyan.

Samantala wala namang pagbabago sa presyo ng mga pestisidyo. (Melanie Hugo)

Comments