Surgical Mission sa Aurora Memorial Hospital, sinimulan na

Nagsimula na kahapon (Sept.9) ang limang (5) araw na Surgical Mission sa Aurora Memorial Hospital sa inisyatiba ni Gov. Gerardo “Jerry” A. Noveras para sa mga taga Aurora.

Bahagi ng naturang surgical mission ang libreng check up, operasyon at gamot para sa bukol, almoranas, ligation, cyst at iba pa

Ang nasabing libreng gamutan ay magtatagal hanggan sa araw ng Biyernes sa mga pasyenteng nakapagpalista noong nakaraang linggo.

Bagamat nagsisimula palamang ang surgical mission, lubos na itong pinasalamatan ng mga mamayan ng Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments