Top 14 most wanted sa listahan ng San Luis PNP, nadakip na

Arestado ang isang lalaking nasa Top 14 most wanted sa listahan ng PNP, noong Miyerkules (Sept.4), sa Bayan ng San Luis, Aurora.

Kinilala ang suspek sa pagnanakaw ng mga gamit noong taong 2012 na si Noli Boy Calderon, 30 taong gulang at residente ng Barangay Ditumabo ng nasabing bayan.

Sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng San Luis PNP hindi na nakatakas sa kamay ng mga otoridad ang suspek makaraang ito ay magtago ng halos isa’t kalahating taon sa batas.

Si Calderon ay kasalukuyan nang nakakulong sa Panlalawigang Piitan ng Aurora para pagdusahan ang kanyang nagawang kasalanan. (Arnel M. Turzar/Sheryl Sta. Maria)

Comments