Unit Meet ng Baler Central School

Matagumpay na naidaos noong Miyerkules (Sept.11) ang isinagawang Unit Meet ng Baler Central School.

Nagsimula ito dakong alas-7:00 ng umaga na pinangunagan ng parada kasama ang mga mag-aaral, guro at mga Muse ng bawat klase at sinundan ito ng maikling programa na naging panauhin dito sina DPTA President Mateo Noveras, District Supervisor Flordaliza Gonzalez at si Barangay Captain Querijero.

Matapos ang programa, sinundan ito ng pagpapakilala ng Muse ng bawat klase at kasunod na ang pagbubukas ng mga palaro katulad ng Sucker, Taekwondo, Bale ball, Badminton, Softball, base ball, chess, sipa at swimming.

Layunin ng programang ito na pumili ng mga karapat dapat na manlalaro para aging entre nila para sa darating na district meet sa darating na Setyembre 29, 2013 sa nasabing paaralan. (Melanie Hugo)

Comments