285 Kagawad at 40 Kapitan ng barangay sa bayan ng Maria Aurora, nanumpa na

Nanumpa na noong lunes sa harapan ni Municipal Mayor Amado Geneta ang 40 na Barangay Kapitan at 285 Barangay Kagawad sa bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Sa opening remark ni Outgoing ABC President Marceliano Regodo, ay binasi nito ang mga bagong halal, Sinabi niya na kalimutan na ang pait, iringan at bangayan noong nagdaang barangay eleksyon.

Dapat na magtulugan ang mga barangay opisyal, ito naman ang mensahe ni Mayor Geneta sa lahat ng nanumpa sa kanya upang makamit ang tagumpay ng isang barangay.

Sinabi pa ni Geneta na dapat bantayan ng mga ito ang illegal logging partikular sa mga barangay na nasa highlander, sapagkat kung ito aniya ay pababayaan, sakuna ang maaaring idulot nito sa kapatagan.

Dapat namang ibigay ng mga barangay opisyal ang kanilang panahon sa serbisyo at paglilingkod sa kanilang barangay, ito ang mensahe ni Aurora Gov. Atty. Gerardo Gerry Noveras sa lahat ng mga bagong mamumuno.

Nagbigay din ng mahahalagang mensahe sina  Cong. Bellaflor Angara-Castillo pamamagitan ni Alex Ocampo bilang kinatawan nito at sina Vice Gov. Rommel Angara at Vice Mayor Ariel Bitong.

Magsisimula sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na barangay opisyal sa darating na ika-isa ng Disyembre, 2013. (Guiller Necesito/Arnel M. Turzar)

Comments